Friday, June 3, 2011

Nakakatuwa pala kapag nababasa mo yung mga dati mong pinagsasabi sa blog mo. Lalo na kapag nakamove-on ka na sa event na yon, tatawanan mo na lang sarili mo. Tapos naiisip isip mo na lang, 'ay ang tanga ko pala talaga noon,"

Wag ka nang mahiya. Umamin ka na kasi na nagpakatanga ka minsan sa isang bagay (madalas, tao) at minsang nagunaw (metaphorically) ang mundo mo dahil sa bagay na yon. Wala namang masama sa pag-amin e. Maganda nga yon, kahit papano alam mo na mali ka at natuto kang tanggapin na ikaw ay tao lamang, nagkakamali rin. Mas mahirap naman yata na alam mo nang mali ka, pero ayaw mo pa ring tanggapin. Ang tawag sayo non, sadyang tanga.

Ilang buwan na rin mula nang huli kong buksan itong blog na to at talagang nag-blog. English pa nga e. Nakakanosebleed, pero napakaseryoso ng huli kong post. Napakasama ng loob ko nung mga panahon na yon. Sa pagkakatanda ko, yun yung mga oras na nalaman kong naloko ako ng isang taong pinagkatiwalaan ko, at sumabay pa na naissue ako sa mga kaibigan ko na galit daw ako sa isang kaibigan namin kasi nagpaligaw sya sa ex ko (or something like that).

Ulitin ko, natatawa na lang ako ngayon. Iba na kasi, nakalipas na. Tapos na yung mga panahon na pakiramdam mo talong talo ka. Wala na yung inis at galit, o kung ano mang negatibong enerhiya na bumabalot sayo. Basta masaya ka na lang.

Okey din talaga tong mga blogsites na to, ano? Kahit papano nababalikan mo yung nakaraan, nakikita mo yung dating ikaw. Pero pare, hinay hinay lang, ha. Huwag mong hayaan na kontrolin ka ng nakaraan.