Sabi ko magbblog ako ng english. STRAIGHT english. Pero ang fail ko lang kasi alam kong may mga bagay akong hindi maeexpress pag nagenglish ako. trying hard kasi e :D anyway ...
Point1.
Kakatapos lang ng mock exams. at ang sarap sabihin, IN YOUR FACE! boket? wala lang. ang sarap ng feeling na tapos na yung exams, kahit mocks na lang yun, kahit wala naman akong mapapala kahit pumasa ako dun o hindi. kasi MOCK nga lang. MOCK. gets?
Pero ako pa rin yung tao na masyadong mataas yung standards. yung taong napakamapride pagdating sa grades. andami ko kasing inarte, dapat ganito yung grade ko, dapat ganito yung sagot ko. pakiramdam ko kasi kaya ko lahat. tapos pag anjan na, at alam kong hindi ko nameet yung standard ko, wala na. sangkatutak na defense mechanisms na gagamitin ko. Una, sasabihin ko na, "okay lang, alam ko namang ganun lang talaga e." Pangalawa, magdedeny ako na hindi ako disappointed, kunwari, "OMG! i can't believe i passed it," pero deep inside, "SHIT! ANG BOBO KO NAMAN!" Pangatlo, compensation. Yes! the best defense mechanism of all. Enough said.
Kasabawan ng psychodynamic approach :D
Point 2.
Trabaho naman haharapin ko ngayon. Trabaho, trabaho, trabaho. Goodluck sakin :D Period.
Point 3.
May problema puso ko. Kailangan ko ng gamot, yung gamot na yun andito na ... pero alam kong aalis din sya. Mapipigilan ko ba? Hindi siguro. Tapos.
Over-all:
Malapit nang magPasko. Magsaya na tayong lahat! :D
15 days to go! :)